Sunday, September 27, 2015

Introduction

Sino nga ba ang hindi makakapagsabi na mayaman ang Pilipinas sa kanyang natatanging likas na yamang mayroon siya, san mang dako ng lugar sa Pilipinas ay mayroong natatanging mga pagkain na hindi mo masasabing ligtas ba o masarap ba ito sa panlasa ng ating mga dila sapagkat sa pangalan pa lamang ay mag aalinlangan ka ng kainin ang mga ito, sa madaling salita ito tinatawag nilang "exotic foods ng Pilipinas".

Kailangan mo ng lakas ng loob kasabay ng lakas ng iyong kalamnan sa tuwing ito ay iyong kakainin. Madalas ang pagkaing
ito ay iniluluto sa prito, may gata o ang sikat na ibat ibang klase ng adobo at sa iba pang klase ng mga putahe depende sa kung ano ang nais ng magluluto ,na  may mga natatanging lasa na hindi mu akalain kainin  sapagkat hindi mo masisikmurang kainin ang mga pagkaing gaya na lamang ng  langgam na matatagpuan sa Ilocos,
inadobong kuliglig ng Pampanga katulad din ng kanilang prinitong palaka na masarap daw na pampulutan sa kanilang lambanog na inumin, ang isa pang inadobong uok o ang malalaking klase ng uod na matatgpuan sa mga puno ng rizal na sinasabing malinis at ligtas kainin, ang  sawa na maari mong makita sa mga magugubat lalo na sa mga probinsya na madalas ay kanilang kinakain lalo na ang mga kalalakihan sapagkat sinasabing nakakapagpatibay daw ito ng mga tuhod at kalamnan. gayundin ang sikat at kinikilala ng mga turista na knilang isinasadya dito sa pilipinas at hndi nila pinapalagpas na kainin ang city exotic pride ng pilipinas ang balot na masarap higupi at kainin kasabay ng suka at asin .  
Tungahayan natin ang mga kamanghang manghang lutuin ng mga Pilipino na masasabing sa lahat ng aspeto ay nagkakaroon ng malikhaing kaisipan hindi lamang sa mga panlipunan  gayundin sa pagkain na inihahain at ipinagmamalaki na kultura ng mga tao sa likod ng mga kakaibang putahe na mayroon ang Pilipinas.

-Zaldia Solinap

No comments:

Post a Comment