Tuesday, September 29, 2015

ADOBONG UOK




Ni: Shiela Aluquin

Ano nga ba ang uok? Ito ay ang Oryctes rhinoceros larva, o ang ankl ng coconut rhinoceros beetle na lumalabas na mula sa itlog at nagsisimula nang lumaki. Ayon sa  American Samao Community College, ang uok ay lumalaki upang maging peste na sumisira ng mga puno ng buko, at kahit anung puno na nasa palm species. Ang mga ouk ay ipinapanganak sa mga tumbang kahoy o kaya’y nabubulok na organic matter, at dun natatagpuan ng mga nais kumain nito.ang mga ito ay pwede kaining hilaw, tulad ng ginagawa ng mga katutubo sa gubat, o kaya’y nailuto sa iba’t ibang paraan. Ang mga uok sa Balaw- Balaw ay inaadobo (niluto sa toyo, suka, at sili) ngunit hindi ito kinakain na parang ordinaryong ulam lang. kailangan muna alisin ang ulo ng uok bago sipsipin ang laman loob nito. Hindi ito masyadong nagustuhan ni Zimmern dahil para raw itong “worm jelly” at parang ramdam na ramdam niya ang kinain na uok noong buhay pa ito. Ang uok ay hindi lamang nahahanap sa Pilipinas, kundi pati narin sa ibang bansa sa asya  tulad ng Vietnam. Ayon sa isang manlalakbay na nakakain na sa isang restawran sa Vietnam, ang coconut worm ay kilala roon bilang “duong dua” at maaring ihaing hilaw, inihaw o kaya’y pinirito sa mantika. Kung saan ang inadobong uok ay malambot at madulas sa dila,ang duong dua ay malutong. Sabi naman ng isa pang manlalakbay na nakakain na ng hilaw ng duong dua, ito raw ay matubig at hindi masyadong masarap. Kahit ano mang paraan inihain ang ouk, magandang alalahanin ang sinabi ni Zimmern sa Bizzare Foods: naiintindihan nya kung bakit mahalagang bahagi ang uok sa katutubong diyeta dahil ang mga ito ay halos 80% protina. Ayos sa pag aaral ng ilang siyentipiko, ang 100g na putahe ng higad ay mayroong 28.2g protina, kumpara sa 100g ng karne ng baka, na mayroon lamang 27.4g na protina. Ayon din sa pag aaral na gawa ng university of port Harcourt sa Nigeria, maganda ang ouk sa mga bata dahil sa nalalaman nitong arginine, na kailangan sa paglaki. Mas malaki rin daw ang laman nitong protina kaysa sa higad, at halos pareho sa soy bean. Dagdag dito, mayroon daw itong unsaturated fat content imbes na saturated fat, kaya  pwede ito sa may mga problema sa kolesterol o sa puso. Ito nga lang daw ang kailangan samahan ng mas masustansyang pagkain dahil kulang ito sa ibang nutrisyon na kailangan ng katawan natin.   

No comments:

Post a Comment