Monday, September 28, 2015

ADOBONG BAYAWAK

ADOBONG BAYAWAK



Maraming paraan ng pagluto ng bayawak pero ang pinaka-kakaibang lasa at malinis na paraan ng pagluto nito ay ang adobo. Mula loob hanggang sa laman ay maaring isama para sa adobong resipe. Kakaiba ang lutuing ito na maaring tangkilikin ng maraming makakatikim nitoBukod sa ulam at ga-ulo ng pusa na subo ng kanin, perpekto rin ang bayawak bilang isang pulutan. Maiikumpara ko ito sa adobong manok pero ang laman ng bayawak ay mas malasa pa at malinamnam kaysa sa laman ng manok. Ito ay karaniwang makikita sa hapag ng mga katutubo sa gubat. Karaniwan na rin itongnagiging pagkain ng mga taga Mindanao.
Simple lamang ang mga sangkap:
 isang mabata-batang bayawak,
 mantika,
 bawang,
 luya,
 paminta,
 toyo at
 vetsin.

 Ang unang hakbang upang makapagluto ng baywak ay ang hugasan ito. Pagkatapos na makapag- “cold shower” ang bayawak ay wala kayong magagawa kundi ang putulan ito ng ulo at mga paa. Sumunod dito ang pagtatanggal ng kanyang puso, bituka, at iba pang laman-loob. Kapag malinis na ito, pagputul-putulin sa maliliit na bahagi  Ihanda ang mainit na kawali, at ihulog doon ang pugot-pugot na bayawak. Pakuluan. Samahan ng dahon ng Kalamansi upang mawala ang amoy . Kapag kumulo na, tanggalin ang tubig sa kawali. Igisa mo na ang bawang kasama ang pinitpit na luya. Isunod dito ang laman ng bayawak, prituhin hanggang  sa maging mamula-mula ang karne. Isama pagkatapos ang iba pang sangkap. Haluin nang haluin hanggang sa maluto. Maya-maya lamang, iahon na ang yummy bayawak at ihain habang mainit-init.

Ipinapayo namin na kailangang malinis ang bayawak bago kainin at nararapat na iluto ng tama. Mas okey na ang i-adobo ito upang makatiyak na mas malinis at masarap.

-Jelyn Gila





No comments:

Post a Comment