Wednesday, September 30, 2015

Balut Exotic sa mga Banyaga

Malamang sa ating mga pinoy, ang balut ay karaniwan na lamang dahil karamihan sa atin ay kumakain nito ngunit ang ibang lahi o nationality ay sinasabing hindi pangkaraniwan ang pagkain nito. 

Sa katunayan, sinabi ni Andrew Zimmern, isang kilalang kritiko sa pagkain na "it was the strangest food I've ever eaten in my entire life but its so unexpectedly better than the way I thought it will be" sa isang US TV serye na may pamagat na Bizarre Foods with Andrew Zimmern. Samantalang nakilala agad ni Anthony Bourdain, isang kilalang chef, manunulat at tv personality sa US ang balut sa kanyang taste test interbyu sa CNN na ito ay sikat sa ating bansa na may "textural issue but taste good". 

Kahit mga artista sa hollywood ay sumubok sa pagkain ng balut katulad na lang ni Zac Efron na sinabing "it really wasn't that bad".  

Ginamit din ang pagkain ng balut bilang paghamon o challenge sa Fear Factor at Survivor, mga kilalang palabas sa telebisyon sa US upang makapanakot sa mga manlalaro at makakuha ng maraming manonood dahil alam nila na isa itong di kaaya-ayang pagkain ngunit napagtagumpayan ng mga kalahok ang pagkain nito, siguro dahil hindi naman talaga masama ang lasa ng balut. 

Ilan lang yan sa mga patunay na isa ang balut sa mga exotic o kakaibang pagkain sa mundo. 

Ang blog na ito ay inihatid sa inyo ng inyong lingkod na si Criselda Guinto. 



ADOBONG DAGANG BUKID


daga





ADOBONG DAGANG BUKID


Kung peste para sa mga residente ng olongapo city ang mga daga dahil nag dudulot ito ng nakamamatay na sakit na leptospirosis. Ang ilang residente na sa mga probinsya ay na tutuwa kapag nakakakita ng dagang bukid.Sapagkat para sa kanila isa itong biyaya dahil hinuhuli nila ito para sa gawain ulam sa kanilang hapag kainan.Dahil na rin sa hirap ng buhay, ang pag huli ng dagang bukid ay malaking tulong dahil nakadadagdag ito sa kanilang kita dahil ibinebenta nila ito.Aba'y masarap daw itong gawin pulutan, bagamat di pa ako nakakatikim ng dagang bukid pero masasabi ko na masarap ito sapagkat ang aking ama at kapatid ay sarap na sarap dito. Sa tuwing umuuwi kami sa Probinsya nang huhuli ang aking ama ng dadang bukid para gawing ulam.



daniellejanedelacruz


     


Butete Tugak mula sa Pampanga



Exotic! Ibig sabihin kakaiba o hindi pangkaraniwan. Maaaring maihalintulad natin ito sa pagkain. Karamihan sa atin ay nandidiri pag sila’y nakakarinig ng “exotic food” lalong lalo  yung mga lumaki sa syudad at hindi pa nakakaranas tumikim ng mga pagkaing hindi masyadong naihahain o nabibili sa particular na lugar. Ang iba naman ay takam na takam ng kumain o matikman muli ang mga nasabing pagkain.
Ibabahagi ko dito ang aking pananaw sa isang exotic na putahe na tinatawag na “Butete Tugak”. Sa pangalan pa lamang ay nakakpagtaka na kung ano ba ang mayroon dito. Ito ay simpleng palaka na nakukuha sa mga palayan at ito yung mga palakang nakakain. Hindi tayo basta basta makakakuha ng palaka sapagkat hindi lahat ng uri ng palaka ay nakakain, ang iba ay nakakalason. Balik tayo sa ating menu ngayon. Ito ay simpleng luto lang naman, pagkatapos mo balatan ang mga palaka ay nilalagyan yung pinaka tiyan nila ng giniling na karne ng baboy ay agad -agad ay piniprito ito sa kumukulong mantika. At tapos, malinamnam ang pagkaing ito.
Hindi nyo ba alam na kadalasan ng mga exotic na pagkain ay mas masustansya kaysa sa mga madalas nating nakakain sa pang araw-araw. Siguro sa una lalo pag hindi talaga sanay ay maninibago pero pag natikman nyu na ay sigurado akong magugustuhan nyu at malamang hahanap hanapin nyo
.


Ni Marlyn Beato

Tuesday, September 29, 2015

ADOBONG KULIGLIG


Adobong Kuliglig (Pilipinas).                    https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEj00SRbHqJM5shEqPxCeVP0mfF_LCVw-1fM-fdiieRkwdPIaFYF4GNH__MRc9voDdztuXbK33XhPtRobmdGENF52FI8B9FIIypDc9f9v6C1EgG2r0CKwUn3Ya1HKThKld_gmiK2FtBUy7y7/s320/sefsefsf.jpg

 Sa Gitnang Luzon, ang kuliglig (cricket) ay iniluluto ng adobo sa toyo, asin at suka. Ito ay lokal na kilala bilang camaro. Katulad ng isang potahe na tinatawag na baling ay maaari itong iluto gamit ang sangkap na balang o lukton (locust). Ang mga insektong ito ay malutong at bahagyang matamis, na masarap isabay sa pagkain ng malambot na kanin. Ang pangunahing sangkap ng potaheng ito na ang kuliglig ay pana- panahon lamang nahuhuli, dahil ang
mga insektong ito ay nagpapakita lamang ng ilang beses sa isang taon.
Ang pagkain ng camaro ay naging tradisyunal na paligsahan na ng mgalokal na mamamayan ng Pampangga bilang pangakit ng mga turista, kung saan ang potaheng
ito ay karaiwang inihahanda at inihahain.

Ito ay isa sa mga sinasabi nating eksotik na pagkain sa ating bansa. Pag-papakilala at representsyon ng ating lugar na kung saan ay kumakatawan sa ating kinalakihan. Mga ideya na kung saaan ay nakagagawa tayo ng ibang paraan para mas makilala ang ating tinubuang lupa.


Dexter Y. Cruz




ADOBONG UOK




Ni: Shiela Aluquin

Ano nga ba ang uok? Ito ay ang Oryctes rhinoceros larva, o ang ankl ng coconut rhinoceros beetle na lumalabas na mula sa itlog at nagsisimula nang lumaki. Ayon sa  American Samao Community College, ang uok ay lumalaki upang maging peste na sumisira ng mga puno ng buko, at kahit anung puno na nasa palm species. Ang mga ouk ay ipinapanganak sa mga tumbang kahoy o kaya’y nabubulok na organic matter, at dun natatagpuan ng mga nais kumain nito.ang mga ito ay pwede kaining hilaw, tulad ng ginagawa ng mga katutubo sa gubat, o kaya’y nailuto sa iba’t ibang paraan. Ang mga uok sa Balaw- Balaw ay inaadobo (niluto sa toyo, suka, at sili) ngunit hindi ito kinakain na parang ordinaryong ulam lang. kailangan muna alisin ang ulo ng uok bago sipsipin ang laman loob nito. Hindi ito masyadong nagustuhan ni Zimmern dahil para raw itong “worm jelly” at parang ramdam na ramdam niya ang kinain na uok noong buhay pa ito. Ang uok ay hindi lamang nahahanap sa Pilipinas, kundi pati narin sa ibang bansa sa asya  tulad ng Vietnam. Ayon sa isang manlalakbay na nakakain na sa isang restawran sa Vietnam, ang coconut worm ay kilala roon bilang “duong dua” at maaring ihaing hilaw, inihaw o kaya’y pinirito sa mantika. Kung saan ang inadobong uok ay malambot at madulas sa dila,ang duong dua ay malutong. Sabi naman ng isa pang manlalakbay na nakakain na ng hilaw ng duong dua, ito raw ay matubig at hindi masyadong masarap. Kahit ano mang paraan inihain ang ouk, magandang alalahanin ang sinabi ni Zimmern sa Bizzare Foods: naiintindihan nya kung bakit mahalagang bahagi ang uok sa katutubong diyeta dahil ang mga ito ay halos 80% protina. Ayos sa pag aaral ng ilang siyentipiko, ang 100g na putahe ng higad ay mayroong 28.2g protina, kumpara sa 100g ng karne ng baka, na mayroon lamang 27.4g na protina. Ayon din sa pag aaral na gawa ng university of port Harcourt sa Nigeria, maganda ang ouk sa mga bata dahil sa nalalaman nitong arginine, na kailangan sa paglaki. Mas malaki rin daw ang laman nitong protina kaysa sa higad, at halos pareho sa soy bean. Dagdag dito, mayroon daw itong unsaturated fat content imbes na saturated fat, kaya  pwede ito sa may mga problema sa kolesterol o sa puso. Ito nga lang daw ang kailangan samahan ng mas masustansyang pagkain dahil kulang ito sa ibang nutrisyon na kailangan ng katawan natin.   

Salawaki (Fresh Sea Urchins)




Ang Salawaki o Sea Urchins sa Ingles ay isang organismo na matatagpuan sa mga baybaying pook tulad ng Bolinao, Bohol, at ilang Katubigan sa Minadanao.

Ang loob nito ay karaniwang kulay dilaw. At mala-tahong ang loob nito at mas masarap kung kakainin ng hilaw. Ito ay may malauhog na laman at ang madalas na kasama nito ay ang suka, asin, paminta, at sibuyas na kilala din sa tawag na "Kilawing Salawaki".

Karaniwang ang panghuhuli nito ay nagiging kabuhayan na ng mga kababayan natin sa mga Probinsya. at naging laman pa ng mga doku na tumatalakay sa child labor. (https://www.youtube.com/watch?v=kZ04w1aW1yA)

Kung ikaw ay isang mapagkaibigan na tao, ako ay sigurado na iyong nais na subukan ito ng pagkain dahil hindi lahat talaga ang may gusto nito dahil sa hitsura nito. Ngunit ito ay isang mahusay na karanasan kapag nakakuha ka ng pagkakataon upang subukan ito napakasarap na pagkain at ito rin ay masustansya dahil binubuo ito ng bitamina A, D at sink.
Pilipinas ay talagang likas ng likas na yaman na ang dahilan kung bakit walang duda na maaari mong subukan ang iba't ibang mga pagkaing-dagat at Swaki o Sea Urchins isa sa mga ito.
Maaari kang bumili ng mga ito sa halagang 50 php na 70 php per kilo.




Ni: Bryan Milanez


Monday, September 28, 2015

ADOBONG SALAGUBANG

ADOBONG SALAGUBANG


Masarap ang kwentuhan, lalo na kung ang lutong kakainin ay kakaiba at masarap ang lasa. Lasang isa pa nga.

Ito ay insekto na nakukuha sa mga buwan ng mayo hangang Setyembre. Ang salagubang ay nakukuha sa mga manga, nakadapo ito sa mga dahon. Ang mga salagubang ay nakukuha sa pamamagitan ng pag-uga ng mga sanga ng manga upang mahulog sa lupa. Karaniwan ang pang-uuga nito ay sa umaga. Kadalasang makikita ito sa hapag ng mga taong nasa probinsya. 

Paano iluto ang adobong salagubang:
Tangalin muna ang mga paa, pakpakat hugasan. Ilagay sa lutuan at timplahan ng mga sangkap na ginagamit sa lutong adabo gaya ng suka, bawang, toyo . Matapos timplahin. Isalang sa lutuan, hangang maluto.


Uulit- ulitin talaga at hahanap hanapin ang lasa ng salagubang.


-GEMARIE DIADULA